Police provincial director ng Nueva Vizcaya, 1 pang opisyal sinibak kasunod ng pananambang sa peace consultant ng NDFP
Ipinag-utos ni PNP Chief Oscar Albayalde ang pagsibak sa pwesto sa direktor ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office at hepe ng Aritao police station.
Ito ay kaugnay ng pagpatay sa peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Randy Felix Malayao.
Ayon kay PNP spokesperson Sr. Supt. Bernad Banac, ang sinibak ay si Nueva Vizcaya Police director Sr. Supt. Jeremias Aglugub at si Chief Insp. Geovanni Cejes ang hepe ng Aritao Municipal police station.
Sinabi ni Banac na nagkaroon ng mishandling sa mga ebidensyang nakuha sa lugar kung saan binaril si Malayao.
Natutulog si Malayao sa sinasakyan niyang bus nang siya ay barilin nnoong Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.