Ito ay matapos bigyan kapangyarihan ng Metro Manila Council ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad ang mga local anti-jaywalking ordinances ng 17 local government units sa kalakhang Maynila.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia ito ang napagkasunduan matapos ang pulong ng konseho kahapon.
Bukod sa multa maari ding magserbisyo sa komunidad ang mga mahuhuli sa jaywalking.
Paliwanag ni Garcia kapag binalewala ang jaywalking citation ticket, ibibigay nila ang pangalan ng lumabag sa NBI para maisama sa alarm list.
Sa ngayon, multang P500 ang kahaharapin ng mga lalabag sa anti-jaywalking ordinance.