Daan-daang milyon pisong pekeng produkto nasabat ng Bureau of Customs
Nagkakahalaga ng 850 milyon piso na pawang peke na produkto ang kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa mga bodega sa Binondo at Parañaque.
Ayon kay Customs Commissioner Leonardo Guerrero ang mga pekeng produkto ay Nike, Adidas, Under Armour, Polo Ralph Lauren, Supreme, Roxy, Marvel, Hello Kitty, Billabong at iba pa.
Sinalakay ang mga bodega dahil sa reklamo ng mga kinatawan ng Nike sa bansa hinggil sa pagkalat ng kanilang mga produkto na pinaksipika sa Binondo na nagkakahalaga ng 700 milyon piso.
Habang nagkakahaga naman ng 150 milyong piso ang fake items ng Nike, Adidas, Red Bull, Tsing Tao, HP, Heineken, Oakley, Under Armour, Champion, Tribal, Bench, Peppa Pig, Disney-Minions, Disney-Minnie Mouse, Cetaphil, Spiderman, Oneal, at Jaguar ang nasamsam ng Customs sa dalawang bodega sa Meliton Espiritu Street, Steelhauz Compound, Sucat, Parañaque City.
Ang mga kontrabando ay nasa pangangalaga na ng BOC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.