Smuggled cars na nagkakahalaga ng P12.1M nasabat ng BOC

By Ricky Brozas February 01, 2019 - 11:42 AM

Aabot sa 12.1 million pesos na halaga ng mga smuggled na sasakyan ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port.

Ayon kay District Collector Erastus Sandino Austria, nadiskubre ang mga kargamento nitong Lunes na ‘misdeclared’ matapos dumaan sa kanilang x-ray scanning.

Idineklara kasi ng consignee nito na forklift, diesel engine at household goods ang laman nito pero nang gawin ang physical examination ay lumabas na isang Bentley car at hino truck ang laman nito.

Batay sa record ng MICP, galing ang mga kargamento sa Japan at dumating sa Pilipinas noong December 17, 2018.

Naka-consign umano ito sa Pulilan Motors Truck Rebuilding na pagmamay-ari ng isang Agustin Mariano Esguerra sa Pulilan, Bulacan.

Naglabas na ang BOC ng warrant of seizure and detention sa naturang kargamento habang ang may ari naman ng kargemento at maging ang customs broker na sangkot sa smuggling ay mahaharap sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

TAGS: 2018, BOC, December 17, Japan at dumating sa Pilipinas, nagkakahalaga ng P12.1M, nasabat, record ng MICP, smuggled cars, 2018, BOC, December 17, Japan at dumating sa Pilipinas, nagkakahalaga ng P12.1M, nasabat, record ng MICP, smuggled cars

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.