Mga lokal na magsasaka ayaw sa hybrid rice ayon sa IRRI

By Jan Escosio February 01, 2019 - 10:50 AM

WILLIE LOMIBAO/Inquirer Northern Luzon File Photo

Mas gusto pa rin ng mayorya ng mga lokal na magsasaka ng palay ang inbred seeds kaysa sa hybrid varieties ayon sa International Rice Research Institute o IRRI .

Ayon kay IRRI Plant Breeding Rice Breeding Platform Senior Scientist II Arvind Kumar, 90 porsiyento ng lupang pang-agrikultura sa bansa ay tinataniman ng inbred seeds at ang natitira ay sa hybrid varieties na lang.

Ito aniya sa kabila ng mas madami ng 10 hanggang 15 porsiyento ang aanihin kapag ang itinanim ay hybrid seeds at kung may sapat na kaalaman ang magsasaka.

Ngunit aminado si Kumar na ang mas mataas na presyo ng hybrid varieties ang dahilan kaya’t mas pinipili ng mga magsasaka ang magtanim ng inbred.

Idinagdag pa nito malaking dahilan din sa pagpili ng kanilang itatanim ang kalidad ng bigas, ang presyo nito sa pamilihan, ang dami ng maani at ang kakayahan nitong labanan ang mga sakit, insekto maging ang panahon.

TAGS: Bigas, Hybrid seeds, Inbred seeds, IRRI, magsasaka, palay, sakahan, Bigas, Hybrid seeds, Inbred seeds, IRRI, magsasaka, palay, sakahan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.