Chinese-American patay matapos tumalon mula sa ika-apat na palapag ng NAIA Terminal 3

By Ricky Brozas February 01, 2019 - 09:50 AM

Inquirer File Photo

Binawian na ang buhay ang isang Chinese-American na sinasabing tumalon mula sa ika-apat na palapag ng NAIA Terminal 3. Ito ang kinumpirma sa Radyo Inquirer ni NAIA General manager Ed Monreal.

Bagaman hindi muna isiniwalat ni Monreal ang pagkakakilanlan ng biktima, sinabi nito na batay sa inisyal nilang impormasyon ay madalas nang makita sa paliparan ang 69 anyos na biktima.

Nangyari ang insidente mag-aalas nuwebe Huwebes ng gabi (January 31).

Sinabi ni Monreal na isinugod pa nila sa Makati Medical Center ang biktima subalit binawian din ito ng buhay.

Batay aniya sa pagsusuri sa biktima ay may dala itong ticket ng eroplano na ang petsa ay noon pang January 27, 2019.

Hindi aniya nila mabatid kung bakit hindi ito nakaalis sa naturang petsa.

Tumawag na rin ang kanilang mga tauhan sa Chinese Embassy para malaman ang buong pagkakakilanlan ng biktima at para maipabatid sa kanyang pamilya ang pangyayari.

TAGS: 2019, Chinese-American nationa, May ticket January 27, NAIA General manager Ed Monreal., NAIA T3, patay, tumalon mula sa 4th floor, 2019, Chinese-American nationa, May ticket January 27, NAIA General manager Ed Monreal., NAIA T3, patay, tumalon mula sa 4th floor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.