Mahigpit na seguridad, ipatutupad ng Quiapo Church
Upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga deboto at mananampalataya magpapatupad ng mahigpit na seguridad ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala bilang Quiapo Church.
Ayon sa Parochial Vicar ng Quiapo Church na si Rev. Fr. Douglas Badong, nagdagdag ng K-9 units mga security personnel na umiikot sa simbahan.
Maya’t maya aniya ay tsinetsek ang mga bangko, ang mga upuan at maging ang mga natutulog kapag gabi.
Umaapela naman ang Pari sa bawat mananampalataya at mga deboto na maging mapagmatyag sa kalagayang pang-seguridad sa paligid ng Simbahan, at agad na isumbong sa mga otoridad ang anumang kahina-hinala sa labas at loob ng Simbahan.
Ang PNP ay nagdeklara ng heightened alert kasunod ng pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral noong Enero 27, 20 ang namatay at mahigit 100 ang sugatan sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.