Prayer Rally ng mga Muslim sa Metro Manila, ikinasa ngayong araw

CTTO

Inaanyayahan ng Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace ang mga muslim, Kristiyano, mga bata at matatanda na makiisa sa isasagawang prayer rally ngayong araw.

Ayon kay Datu Basher Bong Alonto, chairman ng Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace layon nito na ipanalangin ang mabilis na paglutas sa magkasunod na pambobomba sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral at sa mosque sa Zamboanga kung saan marami ang namatay.

INQUIRER Mindanao

Ayon kay Datu Bong, alas-12 mamayang tanghali magsasama ang lahat, muslim at kristiyano, sa Golden Mosque, upang ipanalangin ang kapayapaan, pag-ibig, harmony at pagkakasundo sa bansa.

Read more...