Nailigtas ng mga otoridad ang 20 aso na nakatakda sanang katayin sa Padre Garcia, Batangas.
Dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Batangas Police ang limang lalaki na may dala ng mga aso.
Ayon kay SPO4 Apollo Marasigan ng CIDG, isinagawa ang operasyon Biyernes (Feb. 1) ng madaling araw matapos na may magsumbong sa kanila hinggil sa insidente.
Nang puntahan ang lugar sa isang bakanteng lote sa Barangay Quilo-Quilo South, nadatnan ng mga otoridad ang nasa 200 kilo ng karneng aso.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 8485 o Animal Welfare Act of 1998 at Anti Rabies Act of 2007.
MOST READ
LATEST STORIES