Mag-asawang Beyonce at Jay-z nag-alok ng lifetime concert tickets sa fans na magve-vegan diet sa loob ng isang buwan

Maaring magwagi ng lifetime tickets sa anumang show at concerts nina Beyonce at Jay-Z ang kanilang fans na magve-vegan diet.

Inanunsyo ito ni Beyonce sa kaniyang Instagram bilang pagsuporta sa Greenprint Project na humihikayat sa publiko na tangkilikin ang plant-based meals.

Ginagawa na ngayon ni Beyonce ang plant-based breakfast at meatless kapag Lunes habang si Jay-Z naman ay nangakong kakain ng plant-based meals ng dalawang beses kada araw.

Ang naturang proyekto ay binuo ng personal trainer ni Beyonce na si Marco Borges.

Sa isinagawa kasing pag-aaeral, ang pag-iwas sa pagkain ng karne at dairy products ay pinakamabisang paraan para maiwasan ang environmental impact sa mundo.

Read more...