Magkakaibigan, patay sa pamamaril sa South Cotabato

Nasawi ang tatlong magkakabarkada matapos silang pagbabarilin sa Barangay Poblacion Tupi, South Cotabato, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Denver Hipe, Ernemel Jancan at Junjun Heguera.

Ayon sa mga nakasaksi, isang gunman ang bumaril kay Hipe, tumulong ang mga kaibigan nito at tinangkang lumaban sa suspek pero maging sila ay binaril nito.

Mabilis na tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo na minamaneho ng isa pa.

Dead on the spot si Jancan habang sina Hipe at Heguera ay naisugod pa sa ospital pero kapwa din binawian ng buhay.

Patuloy pang iniimbestigahan kung ano ang motibo sa krimen.

Read more...