Mag-asawa, menor de edad na anak, arestado sa kasagsagan ng drug session sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo February 01, 2019 - 06:36 AM

Arestado ang tatlong katao na pawang magkakamag-anak matapos maaktuhan habang nagsasagawa ng pot session sa Tandang Sora sa Quezon City.

Bago ang pagsalakay, nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na nagtutulak ng droga ang mag-asawang suspek.

Nang dumating sa lugar, nadatnan ng mga pulis ang dalawang hinihinalang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Umamin naman ang lalaking suspek na na siya ay gumagamit ng shabu para hindi antukin sa biyahe sa kaniyang trabaho.

Pero ang kaniyang misis, todo-tanggi sa krimen.

Ang nadakip nilang anak ay dadalhin sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development dahil sa pagiging menor de edad.

TAGS: dswd, metro, quezon city, Radyo Inquirer, dswd, metro, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.