Buong bansa apektado ng Amihan

Muling lumakas ang pag-iral ng amihan at apektado muli nito ang buong bansa.

Ayon sa PAGASA, sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw, walang bagyong mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Ngayong araw, sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at mga lalawigan ng Aurora at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dahil sa amihan.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated na mga pag-ulan.

Nakataas pa rin ang gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Cayalan, Babuyan, Cagayan at Ilocos Norte.

Read more...