Israel nangakong tutulungan ang Pilipinas na labanan ang terorismo
Nangako ang Israel na tutulungan ang Pilipinas na labanan ang terorismo matapos ang malagim na kambal na pagsabog sa Jolo Cathedral noong Linggo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nakapulong ni Pangulong Rodrigo Duterte si Israeli Ambassador Rafael Harpaz sa Malacañang Huwebes ng hapon.
Ani Panelo, ipinarating ni Harpaz ang pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima ng pagsabog sa Jolo at iginiit na dapat tuldukan na ang terorismo at karahasan.
Samantala, sinabi rin ni Harpaz kay Duterte na naratipikahan na ng Israel ang mga kasunduan para sa pagbubukas at pagpapatibay ng mas marami pang oportunidad para sa mga Pinoy workers sa kanilang bansa partikular para sa mga caregivers at mga nagtatrabaho sa hotel industry.
Ayon kay Panelo, isa itong magandang resulta ng makasaysayang pagbisita ng presidente sa Israel.
Umaasa anya si Harpaz na mas gaganda pa ang pagtutulungan ng Pilipinas at Israel sa sektor ng agrikultura at kalakalan.
Sinabi naman ni Panelo na iginiit ni Duterte na pagtitibayin nito ang kooperasyon sa Israel sa iba’t ibang usapin.
Nagpasalamat din umano ang punong ehekutibo sa pakikiramay ng Israel sa mga biktima ng Jolo twin blasts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.