KPop Idol na si Kai, kumpirmadong nasa bansa

By Rhommel Balasbas February 01, 2019 - 12:20 AM

Kumpirmadong nasa Pilipinas ang Korean pop star at Exo member na si Kai.

Ito ay matapos ibahagi ni Kai sa Instagram ang kanyang larawan na nasa loob siya ng isa sa pinakamalaking mall chain ng bansa.

Matapos ang Instagram post ni Kai, agad na nag-trend sa Twitter ang topics na ‘SMent’ at ang birth name ng Kpop Idol na King Jongin.

Tila pawang magandang coincidence din kasi na nasa isang mall si Kai na kapangalan ng handler ng Exo na SM Entertainment.

Dahil sa larawan ni Kai, matutuldukan na ang ispekulasyon ng fans kung talagang nasa bansa nga ba si Kai.

Nauna nang naging usap-usapan ang pagbisita ng KPop star sa bansa matapos umano itong makita sa Mactan-Cebu International Airport nitong mga nagdaang araw.

Ang kanyang pagbisita sa Pilipinas ay sinasabing ilang araw matapos umano itong makipaghiwalay sa kanyang girlfiend na si Jennie Kim ng Blackpink.

Nakatakdang magtanghal sa Maynila si Jennie Kim bukas, February 2.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zkdlin on Jan 31, 2019 at 3:25am PST

TAGS: EXO, Exo's Kai, Kpop, SM Entertainment, EXO, Exo's Kai, Kpop, SM Entertainment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.