Gumawa ng kasaysayan ang speed skater na si Julian Macaraeg matapos makapasok sa 2020 Winter Youth Olympic Games.
Ang 14-anyos na si Macaraeg ang kauna-unahang Filipino na nakapasok sa naturang sports event.
Nagpakitang gilas ang Filipino athlete sa ISU Junior World Short Track Championships sa Montreal, Canada.
Kinumpirma ni Philippine Skating Union head Josie Veguillas na naabot ni Macaraeg ang qualifying time na 42 seconds sa 500 meters dahilan para umakyat ang kanyang world junior ranking sa No. 42.
Umaasa ang PSU na isa pang Filipino ang makakapasok sa Winter YOG sa katauhan ni Marc Gonzales.
Target ni Gonzales na maabot ang kwalipikasyon sa Junior Grand Prix kasama ang iba pang Filipino figure skaters.
Tila sumusunod si Macaraeg sa yapak ni Michael Martinez na sumikat matapos mag-qualify sa 2014 at 2018 Winter Games.