FB CEO Mark Zuckerberg magbabakasyon ng 2 buwan

By Chona Yu November 22, 2015 - 07:14 AM

mark zuckerberg
Inquirer file photo

Magbabakasyon ng dalawang buwan si Facebook Inc Chief Executive Officer Mark Zuckerberg.

Ito ay para mag-paternity leave.

Ayon kay Zuckerberg, magbabakasyon siya oras na isilang na ng kanyang asawang si Priscilla Chan ang kanilang baby girl sa loob ng buwang ito.

Wala namang ibinigay na abiso si Zuckerberg kung sino ang pansamantalang magpapatakbo sa Facebook habang nakabakasyon siya.

Pero maaring ang Chief Operating Officer na si Sheryl Sandberg na siya ring namamahala sa advertising ng Facebook ang maaring pansamantalang pumalit kay Zuckerberg.

Nabatid na pinapayagan ng kumpanyang Facebook ang kanilang mga empleyado na magkaroon ng paid paternity at maternity leave ng hanggang apat na buwan.

TAGS: Facebook CEO, Mark Zuckerberg paternity leave, Facebook CEO, Mark Zuckerberg paternity leave

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.