(Updated as of 12:01am)
Tinupok ng apoy ang residential area sa Upo Street, Brgy. Tumana, Marikina City Huwebes ng gabi.
Ayon kay Fire Officer 1 Jeffrey Regulto, nagsimula ang sunog alas-8:34 ng gabi at itinaas agad sa ikalawang alarma makalipas ang apat na minuto o alas-8:38.
Makalipas naman ang halos kalahating oras o ganap na alas-9:04 ng gabi ay tuluyan nang naapula ang sunog.
Ayon kay Bureau of Fire Protection-Marikina Chief of Operations Fire Insp. Jose Pribaldo, wala namang nasaktan sa insidente.
Nagsimula anya ang sunog sa bahay ng isang Reynaldo Araja.
Dahil sa gawa sa light materials ang mga bahay, agad na kumalat ang apoy.
Tinupok nito ang walong bahay na tinitirhan ng 15 pamilya.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala sa ari-arian.