Pagbabalik sa ROTC pasado na sa komite sa Kamara

By Erwin Aguilon January 31, 2019 - 01:14 PM

Lusot na sa House Committee on Basic Education and Culture ang panukalang batas na bubuhay sa Reserve Officers Training Corps (ROTC).

Kapag naging batas aamyendahan ng panukala ang Republic Act 7077 o ang “Citizen Armed Force o ang AFP Reservist Act” kung saan ipinababalik ang military training sa ilalim ng ROTC sa lahat ng mga Grade 11 at Grade 12 students sa pampubliko at pampribadong paaralan sa buong bansa.

Layunin ng panukala na imulat ang patriotism, nationalism, at hikayatin sa public at civic affairs ang mga kabataan.

Nakasaad din sa panukala ang pagkilala ng estado sa mahalagang papel ng mga kabataan sa nation-building at pagsusulong ng civic consciousness sa kapwa kabataan.

Sa ilalim ng panukala, bukod sa basic military training, ituturo sa mga Grade 11 at Grade 12 na mag-aaral ang “Citizenship” kung saan matutunan ng mga ito ang public service at pag-aaralan ang trabaho ng AFP, PNP, BJMP, at Coast Guard gayundin ang trabaho ng DOH at DSWD na nasa frontline ng pagbibigay ng social services.

Makakatulong din ito para makapag-handa ang mga estudyante kung nais ng mga ito ipagpatuloy ang pag-aaral sa Philippine Military Academy, Philippine National Police Academy at Philippine Public Safety College.

TAGS: at hikayatin sa public at civic affairs ang mga kabataan., Kamara, nationalism, Pagbabalik sa ROTC, patriotism, philippine military academy, Philippine National Police Academy at Philippine Public Safety College., at hikayatin sa public at civic affairs ang mga kabataan., Kamara, nationalism, Pagbabalik sa ROTC, patriotism, philippine military academy, Philippine National Police Academy at Philippine Public Safety College.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.