Japan nangangailangan ng mga dayuhang manggagawa

By Ricky Brozas January 31, 2019 - 01:05 PM

Photo from www.poea.gov.ph

Nangangailangan ng maraming manggagawang dayuhan ang bansang Japan kabilang ang mga Filipino na tutugon sa kanilang pangangailangan sa sektor ng pagsasaka, nursing care, konstruksiyon at mga propesyonal,

Ngunit ayon sa POEA, ang mga nagnanais na kumuha ng visa ay kailangang pumasa sa skills and language test.

Sa advisory, ng Philippine Overseas Employment Administration magkakabisa ang bagong visa sa April 2019 na nagtatakda sa mga dayuhan na may edad na 18-pataas na makapag-apply sa dalawang residency status Visa type 1 at ang Visa Type 2.

Sa ilalim ng Visa Type 1, pinapayagan ang mga dayuhan na makapagtrabaho sa farming, nursing care, construction, at iba pa, balido ang visa sa loob ng 5 taon ngunit hindi pinapayagan ang visa holder na dalhin ang kanilang pamilya sa Japan.

Habang sa Visa Type 2, ang holder ay kailangang may mas mataas na pinag-aralan ngunit pinapayagan naman sila na dalhin ang kanilang pamilya, unlimited renewals at permanent residency.

TAGS: Japan, konstruksiyon, manggagawa, mga propesyonal, nangangailangan ng mga dayuhang, nursing care, sektor ng pagsasaka, Japan, konstruksiyon, manggagawa, mga propesyonal, nangangailangan ng mga dayuhang, nursing care, sektor ng pagsasaka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.