Mga patay na pusit napadpad sa dalampasigan sa Davao City

By Ricky Brozas January 31, 2019 - 12:40 PM

Pinag-agawan ng mga residente sa Davao City ang mga patay na pusit na naanod sa dalampasigan sa Barangay 76-A Bucana.

Nabatid na napadpad sa dalampasigan ang mga patay na pusit na pinaniniwalaang dahil sa pagkalason sa kemikal.

Payo ng mga otoridad sa mga residente, huwag lulutuin at kakainin ang mga patay na pusit sa pangambang magdulot ito ng masama sa kanilang kalusugan.

Naniniwala ang mga Barangay health workers na kaya namatay ang mga pusit dahil sa kontaminasyon ng kemikal.

Patuloy naman ang ginagawang berepikasyon at imbestigasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) 11 para malaman ang dahilan ng pagkamatay ng mga pusit.

TAGS: (BFAR) 11, dalampasigan sa Barangay 76-A Bucana, dalampasigan sa Davao City, health experts, Mga patay na pusit .napadpad, (BFAR) 11, dalampasigan sa Barangay 76-A Bucana, dalampasigan sa Davao City, health experts, Mga patay na pusit .napadpad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.