Mahigit P60,000 na halaga ng marijuana nakumpiska sa 3 suspek sa Maynila

By Ricky Brozas January 31, 2019 - 08:52 AM

Arestado ang 3 indbidwal matapos mahulihan ng 4 na kilo ng marijuana sa Perla St. corner N. Zamora St, Tondo, Maynila.

Huli sa buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Raxabago Police Station ang mga suspek na sina John Rey Roque, Marvin Maui Canlas at kapatid nito na 15 taong gulang.

Ayon kay Supt. Reynaldo Magdaluyo, hepe ng Raxabago Police Station, isinagawa ang operasyon kasunod na rin ng 1 kilong marijuana na nahuli nila sa isang menor de edad nitong January 28.

Nabatid kasi na si Marvin ang itinuturo nilang supplier na kumukuha pa ng Marijuana mula sa Kalinga.

Aminado naman si Marvin sa akusasyon sa kanya at sinabing nagawa nya lang ang krimen dahil sa kahirapan habang itinatanggi naman ng 2 nyang kasamahan ang partisipaayon sa pagbebenta ng Marijuana.

Tinatayang aabot sa mahigit P60,000 ang halaga ng mga marijuana na nasabat ng mga otoridad.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang 2 suspek habang ite-turn over naman sa kustodiya ng Manila Social welfare development office.

TAGS: buy bust, Marijuana, metro, MPD, buy bust, Marijuana, metro, MPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.