Truck at tourist bus nagkabanggaan sa SCTEX sa Tarlac, 5 ang patay, 49 sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo January 31, 2019 - 08:33 AM

CREDIT: JOSEPH MACALINO

UPDATE: Lima ang naawi habang Sugatan ang aabot sa 49 na katao sa aksidenteng naganap sa SCTEX northbound bahagi ng Tarlac.

Sangkot sa aksidente ang isang tourist bus at truck sa bahagi ng bayan ng Concepcion.

Ayon kay Robin Ignacio, pinuno ng traffic management and safety sa North Luzon Expressway, wasak na wasak ang bus dahil sa lakas ng pagkakabangga nito sa likuran ng truck.

Ani Ignacio, pawang government employees ang sakay ng bus at halos lahat sa kanila ay sugatan.

Tatlo sa mga sakay ng bus ay malubhang nasugatan.

Mabigat ang truck na may kargang container van kaya isa sa tinitignang anggulo ay nakatulog ang driver ng bus kaya hindi ito nakahinto at nabulaga na lang sa truck sa kaniyang harapan.

TAGS: accident, bus, Radyo Inquirer, SCTEX, truck, accident, bus, Radyo Inquirer, SCTEX, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.