Germany, itataas ang minimum wage ng Filipino Nurses

By Rhommel Balasbas January 31, 2019 - 07:40 AM

Itataas ng Germany ang minimum wage ng mga Filipino nurses na nagtatrabaho sa kanilang bansa sa ilalim ng ‘Triple Win’ program.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), inanunsyo ng German government ang taas-sweldo sa kasagsagan ng 5th Joint Committee Meeting.

Ang Triple Win Project ay isang proyekto sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at German Federal Republic at pinangangasiwaan mismo ng POEA.
Ang mga nurse na na-interview at pumirma ng employment contract mula January 1, 2019 ay tatanggap ng 2,000 euros bago ang recognition bilang qualified nurse at 2,400 euros naman pagkatapos.

Bago ito, ang minimum wage ng nurses ay nasa 1,900 euros at 2,300 euros lamang.

Samantala, patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang POEA para punan ang 400 vacancies.

TAGS: DOLE, Filipino Nurses, Germany, POEA, DOLE, Filipino Nurses, Germany, POEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.