Kagawad ng barangay patay, misis sugatan sa pamamaril sa South Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo January 31, 2019 - 06:46 AM

Patay ang isang barangay kagawad habang sugatan naman ang kaniyang misis matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ang biktimang si Lemuel Cariaga na kasalukuyang kagawad sa Barangay Rubber.

Sa inisyal na imbestigasyon ay galing sa munisipyo ang biktima at papauwi sa bahay sakay ng kaniyang motorsiklo nang siya ay barilin.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima habang nadaplisan naman ng bala ang kaniyang misis.

Sinabi ni Supt. Samuel Cadungon, hepe ng Polomolok Police Station, posibleng may kinalaman sa trabaho ang pamamaril.

Ayon kay Cadungon, noon pa ay nakatatanggap na ng banta sa buhay ang biktima bilang pinuno ng peace and order committee sa lugar.

Noong June 2018 ay pinagbabaril na rin ang kaniyang bahay subalit walang nasugatan sa insidente.

TAGS: Barangay Kagawad, Polomolok South Cotabato', Barangay Kagawad, Polomolok South Cotabato'

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.