60 arestado sa Pasay anti-criminality campaign sa Pasay City

By Dona Dominguez-Cargullo January 31, 2019 - 06:37 AM

Inaresto sa ikinasang anti-criminality campaign sa iba’t ibang bahagi ng Pasay City ang 60 katao.

Sa 60 nadakip, 30 sa kanila ay sangkot sa illegal na droga.

Ayon sa Pasay City Police station, 19 ang naaktuhan sa kasagsagan ng drug session sa loob ng isang bahay.

Maliban sa mga sachet ng hinihinalang shabu ay may nakuha sa naturang bahay na 2 baril, mga bala, 2 granada at mga drug paraphernalia.

Mayroon namang 24 na nahuling umiinom sa pampublikong lugar, at dalawa ang hinuli dahil sa pagsusugal.

TAGS: anti-criminality campaign, drug session, Pasay City, Radyo Inquirer, anti-criminality campaign, drug session, Pasay City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.