Kumakalat na balitang bobombahin ang SM malls, peke ayon sa NCRPO
Pinakakalma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko hinggil sa kumakalat na mensahe na pasasabugin ng grupong Abu Sayyaf ang SM Malls.
Ayon kay NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar, ang nasabing mensahe ay peke at layon lamang na magdulot ng panik o pagka-alarma sa publiko.
Sa kumakalat na post sa social media nakasaad na matapos ang pagpapasabog sa Jolo, Sulu ay ang SM malls naman ang tatargetin ng mga terorista.
Kaugnay nito ay pinayuhan ni Eleazar ang publiko na huwag nang ipakalat ang nasabing mensahe.
Pinayuhan din ang lahat na maging mapagmatyag at laging alert at agad iulat s amga otoridad ang mga mapapansing kahina-hinalang mga bagay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.