Ilang bahagi ng Mindanao apektado ng tail end ng cold front; Luzon at Visayas apektado naman ng amihan
Apektado ng tail end ng cold front ang ilang bahagi ng Mindanao, habang amihan pa rin ang umiiral sa buong Luzon at Visayas.
Ayon sa PAGASA, ngayong araw, ang Caraga, Davao Region, Camiguin, Misamis Oriental at Bukidnon ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa tail end ng cold front.
Ang mararanasang mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng flash floods at landslides
Samantala, sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora, Quezon, Northern Samar, at Eastern Samar, maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan ang mararanasan.
Ang Metro Manila at ang nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng isolated na pag-ulan.
Wala namang sama ng panahon na inaasahang papasok sa bansa sa susunod na mga araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.