‘Partial lifting’ sa deployment ban sa Libya ipinatupad ng DOLE
Tinanggal ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deployment ban sa Libya para sa mga Pinoy na nagnanais bumalik sa kanilang mga trabaho.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ito ay matapos ibaba ng Department of Foreign Affairs (DFA) at National Security Council ang Crisis Alert Level sa Libya sa Level 2 mula sa Level 3.
Ang deployment ban ay awtomatikong ipinatutupad kapag ang alarm level ay umabot na sa Level 3.
Gayunman, ayon sa POEA, ang lifting ng deployment ban ay para lamang sa mga nagnanais bumalik sa kanilang mga trabaho sa Libya at hindi para sa mga bagong manggagawa.
Matatandaang ipinatupad ang deployment ban sa Libya noong Setyembre matapos itaas ng DFA ang Alert Level 3 sa naturang bansa dahil sa mga insidente ng kidnapping sa mga Pinoy workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.