Lalaking umakyat sa building sa Makati nakalaya matapos magpiyansa

By Rhommel Balasbas January 31, 2019 - 02:27 AM

Nakalaya ang tinaguriang 56-anyos na French ‘spiderman’ na si Alain Robert matapos magpiyansa.

Matatandaang noong Martes, inakyat ni Robert ang GT Tower sa Ayala Avenue sa lungsod ng Makati.

Inaresto si Robert dahil nagdulot ng tensyon ang kanyang ginawa at nahaharap ngayon sa mga reklamong alarm and scandal at trespassing.

Ayon kay Makati police chief Sr. Supt. Rogelio Simon, Miyerkules ng gabi nang makalaya ang urban climber makaraang magpiyansa ng P3,000.

Nakatakda namang sumailalim si Robert sa arraignment at pre-trial bukas ng umaga (Feb 1).

Sikat si Robert dahil sa pag-akyat nito sa matataaas na skycrapers sa iba’t ibang bansa at naaresto na rin noong nakaraang taon sa London sa pag-akyat sa Heron Tower.

TAGS: Alain Robert, french spiderman, Makati City Police, Alain Robert, french spiderman, Makati City Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.