Noel Cabangon, binigyang-pugay si Pepe Smith
Nagbigay-pugay ang singer-songwriter na si Noel Cabangon sa Filipino music icon na si Pepe Smith.
Ibinahagi ni Cabangon sa Facebook ang kanyang rendition ng awiting ‘Himig Natin’ ng Juan dela Cruz band ni Smith.
Bago umawit, sinabi ni Cabangon na malaki ang ibinahagi ni Smith sa musikang Filipino lalo na sa rock music.
Ang linyang “Ako’y may kaibigan, at siya’y nahihirapan,” ay pinalitan ni Cabangon ng “Ako’y may kaibigan, Pepe ang pangalan.”
Matatandaang pumanaw na sa edad na sa 71 si Pepe Smith noong Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.