DPWH: Pinoy workers lang ang makikinabang sa infra projects
Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mga Filipino at hindi Chinese na construction workers ang makikinabang sa ikinakasang Build Build Build program ng pamahalaan.
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni DPWH Build, Build, Build committee chairman Ana Mae Lamentillo, may ikakasang job caravan ang gobyerno sa February 9 sa Subic, zambales na nag aalok ng 17,000 na trabaho..
Karamihan aniya sa alok na trabaho ay nasa construction industry.
Ayon kay Lamentilla, ang natirang job fair ay tugon na rin sa mga manggagawa sa Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines na nanganganib na mawalan ng trabaho dahil sa pagkalugi.
Iginiit pa ni Lamentillo na walang kakulangan ng mga Pinoy skilled workers sa bansa at salungat ito sa pahayag noon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kaya dumarami ang mga Chinese workers sa bansa dahil sa nakikipagsapalaran sa abroad ang mga Pinoy workers.
Aminado si Lamentillo na may posibilidad pa rin na kumuha ang Pilipinas ng mga dayuhang manggagawa dahil sa kakulangan ng expertise ng mga Pinoy workers.
Halimbawa na lamang aniya ang proyektong pagtatayo ng Metro Manila Subway na nangangailangan ng mga eksperto mula sa Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.