Pinaggamitan ng P10Billion APEC fund kayang ipaliwanag ayon sa Malacanang
Tinanggap ng Palasyo ng Malacanang ang hamon ni Sen. Chiz Escudero na ipaliwanag sa publiko kung paano ginastos ang P10Billion na budget sa katatapos na APEC Summit na ginawa sa bansa.
Sinabi ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte na hanggang sa pinakahuling piso ay kayang ipaliwanag ng pamahalaan ang pinaglaanan ng P10Billion na pondo.
Binuweltahan din ni Valte sa kung ano ba talaga ang motibo ni Escudero sa kanyang pagtatanong sa isyu ng APEC budget maliban sa siya ay kandidato sa pagka-Vice President sa susunod na eleksyon. ‘
Ayon kay Valte, “Ngayon pa lang sabihin ko na, na kung ano man ho ‘yung ginastos natin dito sa ating pag-ho-host ay sa ekonomiya po mismo ng Pilipinas pumunta ‘yan. Sa mga hotel po dito ibinayad, doon sa mga infrastructure na ating prinoyekto na maiiwan din po dito sa Pilipinas; hindi naman po para sa dayuhan ‘yung infrastructure natin, para po ‘yan sa mga Pilipino”.
Ipinaliwanag din ng opisyal na maraming tulong na natanggap ang pamahalaan mula sa pribadong sektor tulad na lamang ng mga sasakyang ginamit ng mga economic leaders at iba pang mga delegado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.