Meralco: Power rate hike asahan na sa Pebrero

Inquirer file photo

Nakatakdang tumaas ang electricity bill ng mga Manila electric Co. (Meralco) consumers sa buwan ng Pebrero.

Ipinaliwanag ni Meralco assistant vice president and head of Public Information Office Joe Zaldarriaga na may ilang dahilan kung bakit hindi na maiiwasan ang dagdag singil sa kuryente.

Sinabi ni Zaldarriaga na hindi na sakop ng bill sa susunod na buwan ang mga naunang kasunduan na pinasok ng Meralco sa kanilang power supply agreements na naging dahilan ng mababang halaga nito sa mga unang linggo ng 2019.

Pansamantala munang hindi sinabi ng Meralco kung magkano ang adjustment per kilowatt-hour dahil gagawin ang kanilang formal announcement sa susunod na linggo.

Inaasahang makaka-apekto rin sa halaga ng kuryente ang malikot na presyo ng petrolyo sa world market ayon naman sa ilang analyst.

Read more...