WATCH: Enrile: Martial law nakatulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa Mindanao
Naniniwala si dating Senate President Juan Ponce Enrile na malaki ang naitulong ng martial law sa Mindanao kaya napanatili ang katahimikan sa buong rehiyon.
Kundi dahil sa batas militar ay mas magulo pa ngayon ang sitwasyon sa buong Mindanao ayon kay Enrile na nanungkulan rin bulang Defense Minister noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at Cory Aquino.
Reaksyon ito ni Enrile sa ginawang pagpapasabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu na nagresulta sa kamatayan ng 21 katao at pagkasugat ng maraming iba pa.
Sa kanyang programang “Itanong mo kay Manong Johnny” sa Radyo Inquirer at Inquirer 990TV, sinabi ng dating opisyal na tama lamang na tapatan ng pwersa ng pamahalaan ang acts of terror ng ilang grupo sa Mindanao.
Si Enrile na tatakbo muli bilang senador sa susunod na halalan sa buwan ng Mayo ay nagsabi na dapat lamang na ituloy ng militar at pulisya ang kanilang kampanya laban sa lahat ng armed group sa bansa.
Sa ganitong paraan lang anya makukuha ang tunay na katahimikan na noon pa pinapangarap ng bawat isang Pilipino.
Narito ang pahayag ni Enrile:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.