WATCH: Enrile: BOL hindi solusyon sa kaguluhan sa ilang lugar sa Mindanao

By Den Macaranas January 30, 2019 - 06:22 PM

Mas dapat pang laliman ng pamahalaan ang paghahanap ng solusyon sa kaguluhan sa ilang lugar sa Mindanao.

Sa kanyang programang “Itanong mo kay Manong Johnny” sa Radyo Inquirer at Inquirer 990TV, sinabi ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na ang Bangsamoro Organic Law ay hindi garantiya ng pagkakaisa ng mga Muslim sa rehiyon.

“They are not united nandiyan ang mga Iranons, nandiyan ang mga Maranaos, Maguindanaoans, Yakan sa Basilan, Tausug sa Sulu, Samal sa Tawi-Tawi, Molbog sa Palawan, ay ‘yang mga ‘yan hindi nagkakaunawaan”, ayon kay Enrile.

Ipinaliwanag ng dating opisyal na ang relihiyong Islam lamang ang common denominator sa nasabing mga tribo pero magkakaiba rin sila ng kultura at lengguwahe.

Pero mas lalo pang lumala ang sitwasyon dahil naman sa pulitika.

Kung sisilipin ang kasaysayan ng mundo, sinabi ni Enrile na ang nangyayari sa Pilipinas ay halos kahalintulad rin ngayon ng conflict sa pagitan ng Iran at Saudi Arabia.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Enrile:

TAGS: “Itanong mo kay Manong Johnny, BOL, Juan Ponce Enrile, muslim, Sulu, “Itanong mo kay Manong Johnny, BOL, Juan Ponce Enrile, muslim, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.