2 persons of interest sa Jolo, Sulu bombing sumuko na

By Len Montaño January 30, 2019 - 03:24 PM

video grab

Sumuko sa pulisya ang dalawang kalalakihan na nauna nang sinabi bilang mga persons of interest sa magkasunod sa pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ang dalawang lalaki na nakunan sa CCTV footage na naglalakad malapit sa Mount Carmel Cathedral bago ang unang pagsabog ay sumuko sa Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) alas 10:00 Miyerkules ng umaga.

Ang isa sa mga sumuko ay ang lalaking unang kinilala na kapatid ni Abu Sayyaf leader Surakah Ingog na umano’y si Alyas Kamah.

Ayon kay Col. Gerry Besana, spokesperson ng Western Mindanao Command, ang lalaki na noong naganap ang pagsabog ay nakasuot ng blue-green jacket ay mapapanood sa CCTV na hawak ang isang cellphone na posible umanong ginamit sa pagdetonate ng mga bomba.

Sa video ay mapapanood din ang isa pang lalaki na naglalakad kasabay ni Kamah at kasama sa mga tumakbo palayo matapos ang pagsabog.

Ayon sa pulisya, inamin ng suspek na siya ang nasa video pero wala raw siyang kinalaman sa pagsabog.

Sinabi umano nito sa mga pulis na residente siya ng Sulu at namamalengke lang noong Linggo ng umaga.

Lumantad umano ang lalaki para linisin ang kanyang pangalan.

TAGS: Abu Sayyaf, Bombing, Jolo, kamah, Mount Carmel Cathedral, Sulu, westmi com, Abu Sayyaf, Bombing, Jolo, kamah, Mount Carmel Cathedral, Sulu, westmi com

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.