Infra projects exemption sa election ban inihirit ng Malacañang
Humihirit ang economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng exemption sa government spending ban kaugnay sa nalalapit na halalan ang kanilang P500 Billion na infrastructure projects.
Kabilang sa big-ticket infra projects ay nakapaloob sa Build Build Build program ng pamahalaan.
Sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diokno na isusumite na nila sa Comelec ang listahan ng nasabing mga proyekto para sa kaukulang aksyon.
Simula March 29 hanggang May 12 ay ipagbabawal ng komisyon ang paglalabas ng pondo ng gobyerno sa lahat ng mga proyekto alinsunod sa umiiral na omnibus election code.
Ikinatwiran ni Diokno na hindi pwedeng mabalam ang nasabing mga proyekto dahil ito ay nasimulan na ng pamahalaan.
Ang pagkakabalam sa konstruksyon ng mga ito ay mas lalong magre-resulta sa malaking gastos ayon pa sa kalihim.
“We’re confident that our request will be granted. This is for national welfare and development, so I think the Comelec will be broad-minded enough,” paliwanag pa ni Diokno.
Sinabi rin ng kalihim na apektado ng delayed na pagpapatibay sa 2019 national budget ang iba pang infra projects ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.