Barangay captain sa QC na tumatakbong kongresista patay sa pananambang

By Jong Manlapaz January 30, 2019 - 12:57 PM

(UPDATE) Patay sa pananambang ang kapitan ng barangay sa Bagong Silangan sa Quezon City na tumatakbong kongresista para sa 2019 midterm elections.

Nasawi ang biktimang si Crisell “Bheng” Beltran na tumatakbong kongresista sa 2nd district ng Quezon City dahil sa tinamong mga tama ng baril.

Idineklarang dead on arrival si Beltran sa FEU Hospital.

Sa inisyal na impormasyon, sakay ng Ford Everest na may plate number na NDO 612 si Beltran nang lapitan ng riding in tandem at saka siya pinagbabaril sa JP Rizal St. sa nasabing barangay.

Ayon kay Supt. Joel Villanueva, hepe ng QCPD Station 6, patay din ang driver ni Beltran na si Melchor Salita.

Mayroon namang apat na sugatan sa insidente na kinabibilangan ng 3 mernor de edad.

Apat ang suspek sa pananambang na sakay ng dalawang motorsiklo.

 

TAGS: Bagong Silangan, barangay captain, bheng beltran, quezon city, Bagong Silangan, barangay captain, bheng beltran, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.