Pondo ng PAGCOR gugulin sa mga pampublikong ospital sa bansa – Duterte
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Suterte na uubusin niya ang pera ng PAGCOR bilang pangtustos sa mga pangangailangan ng mga pampublikong ospital sa bansa.
Katwiran ng pangulo, galing sa sugal ang nalilikom na pera ng gobyerno sa PAGCOR kung kaya marapat lamang na ilaan na lamang ito sa mga ospital.
Aminado ang pangulo na mahirap para sa kanya na makita ang mga mahihirap na Filipino na walang maipambayad sa ospital at walang maipambiling gamot.
Una rito, sinabi ng pangulo na gagamitin din niya ang pondo ng PAGCOR para sa pagpapagamot sa mga nasugatan sa pagsabog sa Jolo, Sulu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.