“EXTREME WEALTH”, BUWISAN PARA TULUNGAN ANG MGA MAHIHIRAP – sa ‘Wag Kang Pikon ni Jake Maderazo

By Jake Maderazo January 30, 2019 - 09:37 AM

Isa sa dapat pagtuunan ng gobyerno at ng mga “super-yamang Pilipino ang sinserong pagtulong para makaangat sa kahirapan ang mas nakararami. Ito’y sa harap ng lumalaking agwat ng mga mayayamana t mahihirap sa buong mundo kabilang na an gating bansa.

Sa Oxfam report-2018, meron lamang 28 “super billionaires” na ang kayamanan ay katumbas ng ari-arian ng 3.6-B mahihirap na pamilya sa buong mundo. Noong 2016, ang super-billlionaires ay 61 at naging 43 noong 2017. Yumaman lalo sila ng 12% samantalang humirap naman ang 3.6-B katao ng 11%. Ibig sabihin, mas yumaman ang mga pinakamayayaman. At lalong naghirap ang mga pinakamahirap.

Dito sa Pilipinas, apatnapung Filipino billionaires ang may kayamanan na katumbas ng higit 30-M mga mahihirap na Pilipino. Halos 60 percent ng ekonomya ay napupunta sa top 1-percent richest families ito samantalang ang 99-percent na pamilyang Pilipino ay nagkukumahog araw-araw sa natitirang 40%.

Doon lamang sa top ten richest Filipinos ng FORBES magazine sa 2018, umaabot sa sa
$ 51.45-B ang kabuuang kayamanan ng mga nasa listahan sa pangunguna ng yumaong si Tatang Henry Sy hanggang kay sa real estate developer na si Andrew Tan. Mga kayamanang lumalago ng mula 20% hanggang 30% bawat taon.

Kulang pa ba sa kanila ang mga kayamanang ito? Hindi ba’t “extreme wealth” na ito o sobra-sobra.

Naalala ko tuloy ang mga superyaman sa Amerika na nagdonasyon sa charity. Si Bill Gates , nagbigay ng $65-B, si American businessman Warren Buffett na nagdonate ng $30.8-B, at si Mark Zuckerberg ng Facebook na nangakong i-donate ang kalahati ng kanyang kinikita sa “charity” bawat taon. Mga taong may “extreme wealth” o sobra-sobrang kayamanan na nagdesisyong tumulong sa kapwa.

Nitong nakaraang mga taon, nakatuon ang gobyerno sa pagsugpo sa tinatawag na “extreme poverty” o iyong sobrang kahirapan. Nariyan ang Conditional Cash transfer at iba pang programa para tulungan ang mga pinakamahihirap. Meron ngang Universal Health care, libreng college education at iba pang biyaya.

Pero , hindi magwawakas ang “extreme poverty” sa bansa kung hindi tutulong sa kahirapan ang “extreme wealth” o sobrang yaman nating mga “super-billionaires..

Isa sa mainit na panukala ay ang pagpapataw ng buwis sa mga mauyayamang ito na ang benepisyo say dederetso sa mga pinakamahirap. Maaring tayong magpataw ng “60% super rich tax” na panukala ni Dem. Rep. Alexaderia Ocasio-Cortez ng New York o kaya’y “wealth tax”, o “15% surcharge” tulad ng 60% sa India..
Kung ang top ten Filipino Billionaires ay merong $51.45B na kayamanan, malaking pera ang makukuha natin. Ilagay lang natin sa 10% ang “super rich tax” ; ito’y $ 5.145-B o halos P267.5-B bawat taon.

Ano ang magagawa natin sa naturang pera? Pwede nating doblehin ang Pantawid pamilya budget na P137-B bawat taon. Libre na rin ang free college tuition na P40-B a year. Tanggal ang lahat ng squatter at sa mga danger areas ng Metro Manila sa pondong P10-B na kasama pa ang pabahay . O kaya’y lakihan natin ang mga pautang kabuhayan sa mga bawat baranggay.

Pag-isipan natin itong mabuti. Kailangang magtulungan lahat maging gobyerno, super billionaires at mga mahihirap para mas gumanda, mas gumaang at mas masaya ang buhay natin.

 

TAGS: Filipino billionaires, wealth, Filipino billionaires, wealth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.