Militar dapat gumawa ng plano para ipatupad ang all-out-war vs ASG

By Erwin Aguilon January 30, 2019 - 09:32 AM

PNP-PIO Photo

Naiintindihan ni Muntinlupa Rep at House Committee on National Defense and Security Senior Vice Chair Ruffy Biazon ang atas na all-out-war ni Pangulong Duterte sa Abu Sayaff Group.

Ayon kay Biazon, utos ito ng commander ng chief kaya kailangang gumawa ng plano ang militar kung paano ito isasagawa.

Kumplikado lamang anya ang pagpapatupad nito dahil katatapos lamang ng political exercise sa Mindanao partikular ang mga lumahok sa plebesito para sa Bangsamoro Organic Law.

Hindi rin anya alam ng mambabatas kung ano ang magiging impact nito sa iba’t-ibang grupo dahil matapos ang plebesito ay kaagad magkakaroon ng all-out-offensive.

Naniniwala din ang mambabatas na posibleng naging komportable ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng seguridad sa jolo, sulu kaya ang mga ito nalusutan.

Sa impormasyon anya na nakarating sa kanya ay dahil sa hiling ng mga taga Sulu ay bahagyang niluwagan ang seguridad na maaring naging dahilan kung bakig nakalusot ang mga responsable sa twin bombings sa Mt. Carmel Cathedral.

TAGS: abu sayyaf group, all out war, jolo bombing, Jolo Sulu, Radyo Inquirer, abu sayyaf group, all out war, jolo bombing, Jolo Sulu, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.