WATCH: Pulisya aminadong nalusutan sa pagsabog na naganap sa mosque sa Zamboanga City

INQUIRER MINDANAO PHOTO | Julie Alipala

Posibleng residente lang din sa lugar ang nasa likod ng pagpapasabog sa loob ng isang mosque sa Brgy. Talon-Talon, Zamboanga City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Police Regional Office 9 Director, Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, dalawa ang nasawi sa insidente habang ligtas na sa kapahamakan ang mga nasugatan.

Kwento ni Licup, ilang sandali bago ang pagsabog, pinatay ang sindi sa mga lamp post sa bisinidad.

Ilang anggulo naman ang sinisilip ng pulisya sa insidente.

Ani Licup, posibleng personal o iba pang bagay ang motibo sa pagpapasabog.

Sampung taon na kasi ang nakararaan ay may insidente ng pamamaril sa parehong komunidad dahil sa sigalot sa pagitan ng Muslim residents.

Aminado naman si Licup na nalusutan ang mga otoridad sa insidente na inatasan nang maghigpit ng seguridad matapos ang pagsabog sa Jolo, Sulu noong weekend.

Dahil dito, sinabi ni Licup na pagpapaliwanagin niya ang mga opisyal ng PNP sa lugar.

Read more...