Anim na miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa CamSur

By Dona Dominguez-Cargullo January 30, 2019 - 08:53 AM

Patay ang anim na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pakikipagbakbakan sa mga sundalo sa bayan ng Tinambac sa Camarines Sur.

Naganap ang insidente alas 6:00 ng umaga ng Miyerkules (Jan. 30) kung saan nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at mga tauhan ng 83rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Lupi.

Ayon sa Philippine Army, tumagal ng halos dalawampung minuto ang bakbakan.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang apat na M-16 rifle, isang grenade launcher at mga dokumento.

TAGS: camarines sur, encounter, NPA, Tinambac, camarines sur, encounter, NPA, Tinambac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.