OSG iginiit na kailangan ng Martial law sa Mindanao dahil sa presensya ng local terrorist group
Nandigan ang Office of the Solicitor General sa Korte Suprema na kailangan pa rin ang Martial law sa Mindanao.
Sa ginawang interpellation ni Justice Estela Perlas-Bernabe, ipinaliwanag ni Solictor General Jose Calida ang laman ng Proclamation Number 216.
Ayon kay Calida, laman ng proklamasyon na mayroon pa ring umiiral na pag aaklas sa Mindanao at kailangan ang implementasyon nito para sa kaligtasan ng publiko.
Inisa isa rin ni Calida ang mga rebeleng grupo sa Mindanao na kinabibilangan ng ng Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, Daulah Islamiyah , at Maute.
Anya, maliban sa communist group kailangan matutukan din ang mga local terrorist group na Daesh-inspired dahil ito ang nagpapgulo sa rehiyon.
Samantala, sa sumunod na interpellation, kinuwestyon naman ni Justice Marvic Leonen si Calida sa paiba iba at hindi tugmang ulat na isinumite ng pamahalaan sa Korte Suprema bilang suporta sa extension ng Martial law sa Mindanao.
Pag-amin ni Calida, nagkaroon ng ‘clerical error’ sa ulat pero ito ay naitama na. Kanya ring sinabi na nakatuon sya laman ng argumento at hindi hindi nabasa ang lahat ng ‘statistics’ sa ulat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.