Data breach sa Globe Telecom iniimbetigahan na ng Privacy Commission

By Dona Dominguez-Cargullo January 30, 2019 - 07:48 AM

Inaalam na ng National Privacy Commission ang detalye ng umano ay data breach na naganap sa Globe Telecom na maaring nakaapekto sa halos 9,000 prepaid custumers nito.

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, pinapayuhan nila ang mga posibleng naapektuhan na imonitor ang kanilang online at offline accounts.

Pinayuhan din silang magpalit ng mga password at iba pang identity verification, at maging maingat sa mga posibleng phishing attempts.

Sa pahayag ng Globe, naapektuhan ang kanilang prepaid customers na nag-register sa “On the List” program ng telecom para mag-avail ng libreng concert tickets at iba pang music venues.

Naipadala umano ng Globe ang mga datos at impormasyon sa maling mg tao.

Kabuuang 8,851 ang naapektuhan na ayon sa Globe ay maliit na bilang lang mula sa tinatayang 60 million nilang prepaid customers.

TAGS: BUsiness, data breach, globe telecom, Radyo Inquirer, BUsiness, data breach, globe telecom, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.