Presyo ng kuryente at LPG, tataas pagpasok ng Pebrero

By Rhommel Balasbas January 30, 2019 - 03:36 AM

Nakaamba ang dagdag-singil sa kuryente ng Meralco sa buwan ng Pebrero.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, ito ay dahil balik-normal na ang singil ng mga planta ng kuryente na nagsusuplay sa Meralco dahil mawawala na ang tinatawag na ‘outage allowance’.

Nitong Enero ay nagpatupad ng bawas-singil ang Meralco dahil may bawas-singil din ang mga plantang nagsusuplay sa kumpanya.

Dahil dito ay asahan na anya na tataas ang singil ng power distribution company pagpasok ng Pebrero.

Ani Zaldarriaga, posibleng nasa P0.50 ang dagdag-singil pero maaari pa itong mabago.

Nag-abiso na rin ng maaga ang Meralco sa publiko sa inaasahang pagtaas ng singil sa kuryente sa pagsapit ng tag-init.

Inaasahan kasing tataas ang konsumo dahil mas maraming appliances ang ginagamit para mapawi ang init ng panahon.

Samantala, tinatayang nasa P1 hanggang P1.50 ang dagdag-presyo sa kada kilo ng liquified petroleum gas (LPG) simula Pebrero 1.

Ang dagdag sa presyo ay dahil sa pagtaas ng contract price sa world market.

TAGS: electric bill, LPG price hike, Meralco, electric bill, LPG price hike, Meralco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.