Turismo ng bansa hindi maaapektuhan ng Jolo twin blasts – Malacañan

Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na hindi lubhang makakaapekto sa turismo ng bansa ang naganap na mga pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ito ay matapos ang travel warning na inilabas ng United Kingdom sa mga bahagi ng Mindanao at South Cebu dahil sa umano’y ‘banta ng terorismo’.

Iginiit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang travel advisory ng UK ay normal lamang.

Ani Panelo, karaniwang reaksyon ng mga pamahalaan ang maglabas ng travel warning kapag mayroong bantang panganib.

Ginagawa rin anya ito ng Pilipinas ngunit hindi nangangahulugan na hindi pinapayagan ang mga mamamayan kundi binabantaan lamang.

Sinabi ni Panelo na walang epektong masyado ang pagsabog sa Sulu sa turismo.

Kung gusto anya ng mga turista na tumungo ng Maynila, Cebu o Davao ay malayo naman ang Sulu sa mga lugar na ito.

Dagdag ni Panelo, sa kabila ng banta sa peace and order sa isang lugar ay hindi naman titigil ang gobyerno na na tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan at bantayan ang seguridad.

Read more...