Duterte pinayuhan ang mga magulang na hwag matakot sa bakuna

By Chona Yu January 29, 2019 - 08:38 PM

PHOTO BY EDWIN BACASMAS

Sa gitna ng kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine, hinimok ni pangulong Rodrigo Duterte ang mga magulang na huwag matakot na pabakunahan ang kanilang mga anak na sanggol laban sa iba’t ibang uri ng mga sakit.

Pahayag ito ng pangulo sa groundbreaking ceremony ng bagong San Lorenzo Ruiz General Hospital sa Barangay Panghulo sa Malabon City.

Ayon sa pangulo, marami kasi sa mga magulang ang natakot nang pabakunahan ang kanilang mga anak dahil sa Dengvaxia vaccine.

Dagdag ng pangulo, hindi dapat na ipagwalang bahala ng mga magulang ang kalusugan ng mga bata.

Option na aniya ng mga magulang kung patuturukan ng Dengvaxia vaccine ang mga batang anak.

TAGS: bakuna, Dengvaxia, doh, duterte, bakuna, Dengvaxia, doh, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.