2 DAR officials na sangkot sa katiwalian pinagbibitiw ni Duterte sa pwesto

File photo

“Mag-resign o sasampahan ng kaso”.

Ito ang naging payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang opisyal ng Land Conversion Office ng Department of Agrarian Reform (DAR) na kanyang sisibakin sa puwesto.

Ayon sa pangulo, may ranggong “Director” ang kanyang sisipain sa pwesto.

Immaterial na aniya na tukuyin pa ang pangalan ng dalawang opisyal ng Land Conversion Office.

Dismayado ang pangulo dahil inabot ng dalawang taon ang pagproseso sa land conversion sa isang proyekto hanggang sa iparating sa kanyang tanggapan ang reklamo.

Para sa pangulo, korupsyon na maituturing kung pababalik balikin ng opisyal ng pamahalaan ang mga aplikante na nag- aayos ng mga papele sa alinmang opisina ng gobyerno.

Sinabi pa ng pangulo na kahit sino sa kanyang administrasyon basta’t nasangkot sa katiwalian ay kanyang sisibakin.

Read more...